Inaresto ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Paranaque City Police Station ang tatlong lalaki dahil sa robbery extortion at carnapping sa Barangay Tunasan, Muntinlupa City.
Kinilala ang mga ito na sina Marohomsar Emran, 36-anyos, Caraico Ubay, 49-anyos at Renato Mollasgo, 43-anyos.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ang tatlo ay inaresto dahil sa paglabag sa kasong Republic Act 10883 o ang Anti-Carnapping Act of 2016.
Bukod sa kasong ito si Emran ay inaresto dahil sa Robbery Extortion at si Ubas ay dahil sa paglabag sa kasong Article 304 ng Revised Penal Code o Possession of pick-locks or similar tools.
Nakuha sa kanila nang isagawa ng mga pulis ang pag aresto ang isang unit ng Nissan Van.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, ninakaw ng tatlong suspek ang isang motorsiklo na nakaparada malapit sa foot bridge Along Roxas Blvd, Barangay Baclaran, Paranaque na pagmamayari nang isang Teoderico Larosa.
Ang ginawa ng mga ito pinatutubos nila sa may ari ang motorsiklo sa halagang P70,000 dahil dito humingi ng tulong ang complainant sa mga pulis dahilan para ikasa ang operasyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang operasyon ng mga pulis para maaresto ang isa mga suspek na kinilalang si Taronngay y Acmad alyas “Pilot”, residente ng Paliparan, Cavite.