Manila, Philippines – Arestado ang tatlong tao kabilang ang isang menor de edad matapos makuhanan ng isang kilo ng marijuana sa barangay Socorro, Quezon City.
Nakilala ang mga suspek na sina Carlo Santoss at John Mico Espiritu kasama ang isang labing pitong taong gulang na binatilyo.
Sa imbestigasyon, nasita ang tatlo sa 13th avenue kung saan walang suot na helmet ang mga ito habang sakay ng isang motorsiklo.
Dito na nakuha sa bag ng suspek na menor de edad ang halos isang kilo ng marijuana.
Iginiit naman ng binatilyo na hindi niya alam na iligal na droga ang laman ng bag at sinabing pinabitbit lamang ito ng dalawa niyang kasama.
Facebook Comments