Tatlong Lalaki na Wanted sa Isabela, Arestado!

129

*Isabela- *Nahuli na ng mga otoridad ang tatlong indibidwal na wanted sa batas matapos isilbi ang kani-kanilang warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5iFM Cauayan, unang nadakip bandang 10:30 kaninang umaga sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng RTC Br 23, Roxas, Isabela sina Eduardo Esmundo, 48 anyos, tricycle driver at Michael Angelo Esmundo, 33 anyos, collector na kapwa residente ng Brgy. Nuesa, Roxas, Isabela.


Hinuli ang dalawang Esmendo na nasa pag-iingat ng Roxas Police Station dahil sa kanilang kasong Slight Physical Injuries at sila’y makakalaya lamang pansamantala kung makakapag piyansa ng halagang tig-labingdalawang libong piso (P12,000.00).

Samantala, arestado rin sa bisa ng warrant of arrest na inihain ng MCTC, San Manuel, Isabela ang 35 anyos na lalaki na si Carlos Salvador na taga Babanuang San Manuel, Isabela dahil sa kanyang kasong pagnanakaw.

Makakalaya lamang pansamantala si Salvador na nasa pag-iingat na ng PNP San Manuel kung makakapag piyansa ng P24,000.00.

Facebook Comments