Tatlong lalaki sa Iloilo, arestado dahil sa pagbebenta ng iligal na droga

57

Huli ang 3 na lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine National Police (PNP) sa Zone 1, Barangay Daga, Sta. Barbara, Iloilo Province.

 

Ito ay matapos na mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer kahapon.


 

Sa ulat ng PNP Iloilo, ang tatlong naaresto ay kinilalang sina Rhona Susbilla, 43 anyos, residente ng Brgy. Dalid, Sta. Barbara, Iloilo, Joan Sorongon, 40 anyos, residente rin ng Brgy. Daga at Cornelio Somcio, 38 anyos, residente ng Brgy. Cafe, Sta. Barbara, Iloilo.

 

Nang maaresto ang mga suspek, nakuha sa kanila ang kabuuang 60 gramo ng shabu na may standard drug price na kalahating milyong piso na ngayon nasa regional crime laboratory 6 para sa examination.

 

Sa ngayon, nakakulong na ang mga suspek sa Sta. Barbara Municipal Police Station para sa booking at proper disposition.

Facebook Comments