Huli ang tatlong lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu sa Brgy. 184, Zone 19, Maricaban, Pasay City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jeffrey Villarba, 36 anyos, Ryan Gulle, 30 anyos, at Jay Alexis Falcunit, 38 anyos.
Ang mga ito at kasama sa drug watchlist.
Sa ulat ng National Capital Region Police Office, nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section ng Maricaban Police sa nangyayaring drug transanction sa Brgy. 184, Zone 19, Maricaban, Pasay City kaya agad silang rumesponde.
Sa kanilang pagresponde, nakuha sa mga ito ang walong sachet ng shabu, at 300 piso.
Sa ngayon, nakakulong na ang mga ito at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments