Tatlong lalaking tulak umano ng droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

30

Timbog ang tatlong lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Muntinlupa, matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-4:10 kahapon ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Garizaldy Arciaga Marcellana; Dominador Arciaga Marcellana; at Jessie Bascon Guarico.


Nakuha mula sa kanila ang dalawang gramo ng umano’y shabu at nagkakahalaga ng P13,600.

Ginawa ang nasabing operasyon sa 247 San Guillermo, Brgy. Putatan, Muntinlupa City, matapos mabilhan ang mga suspek ng umano’y iligal na droga.

Nakakulong na ang mga suspek sa Muntinlupa City Police Station Custodial Facility at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments