Tatlong lalaking tulak umano ng ilegal na droga sa Muntinlupa City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang tatlong lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga sa lungsod ng Muntinlupa matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila pasado alas-9:40 kagabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Alvin Brigino Gonzales, alyas “Demonyo”; Rod Escarlan Paclihan, alyas “Paloma”; at Joepet Arciaga Cachuela.

Nakuha mula sa kanila ang 6 grams na hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P40,800 at ang P300 na perang ginamit bilang buy-bust money.


Ginawa ang nasabing operasyon matapos makumpirma ang ilegal na transaksyon ng mga suspek sa Brgy. Tunasan, Lungsod ng Muntinlupa, sa pangunguna ng Muntinlupa City Police Station Drug Enforcement Unit katuwang ang Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Nakakulong na ang mga suspek sa custodial facility ng police station ng lungsod at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Itinurn-over na sa Southern Police District Crime Laboratory ang mga nakumpiskang umano’y shabu para naman sa chemical analysis.

Facebook Comments