Kinumpirma ng Department of Health (DOH) sa Bicol Region na tatlo mula sa anim na mga lalawigan sa rehiyon ang nakapagtatala ng matataas na kaso ng dengue
Kabilang dito ang Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes.
Ayon kay Dominic Bolunya ng DOH-Region 5, mula Hunyo 26 ay nakapagtala sila ng 105 dengue cases sa rehiyon.
Mas mataas aniya ito ng 176% kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Mula sa naturang bilang, ang Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na 75 habang 15 naman sa Camarines Norte at pito sa Catanduanes.
Partikular na nakitaan ng surge o pagtaas ng dengue cases sa buong rehiyon ang Naga City sa CamSur, gayundin ang ng Daet sa CamNorte at Virac sa Catanduanes.
Nakikipag-ugnayan na ang DOH sa ibang mga lokal na ahensya at maging sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon upang paigtingin ang kampanya kontra dengue.