Tatlong libong indibidwal, pinayagan na makabalik sa isang barangay sa Marawi City

Manila, Philippines – Nakauwi na ang nasa 3,000 indibidwal sa Barangay Basak Malutlut, Marawi City.

Tanging mga residente ng Barangay Basak Malutlut lang ang pinayagang muling makabalik dahil ito pa lang ang barangay na nakakumpleto sa mga requirement ng lokal na pamahalaan.

May mga residente namang hindi pinayagang makapasok dahil hindi nakatira sa Barangay Basak Malutlut.


Mayroon na ring kaniya-kaniyang araw na itinakda para sa pagbalik ng mga residente ng ibang barangay.

Magsisimula ang schedule ng iba pang magbabalik sa Marawi sa Oktubre 31.

Facebook Comments