Tatlong libong mga baril na bigay ng China, naipamigay na sa mga tropa sa Mindanao

Manila, Philippines – Napasakamay na ng mga pulis at sundalo sa Mindanao ang tatlong libong mga baril na ibinigay ng China nitong nakalipas na buwan.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato dela Rosa 2 libo at 9 na raang rifles ang napunta sa PNP habang 100 ang sa AFP.

Importante anya ang mga dagdag na baril na ito sa Mindanao lalo pa at nanatili ang banta ng terorismo doon.


Gayunpaman sinabi ni Bato na kulang pa rin ang mga baril ng PNP kaya maghahanap pa sila ng kumpanyang makapagsusuplay sa kanila ng armas.

Tila ayaw naman nang hintayin ni Bato ang inorder na mga baril ng Pilipinas sa Amerika na hinaharang ng ilang mamababatas sa Estados Unidos dahil sa isyu ng Extra Judicial Killings sa war on drugs ng administrasyon Duterte.

Facebook Comments