Tatlong local officials na nanalo noong midterm elections, dinisqualify ng Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon sa mga petisyon laban sa tatlong local officials na nanalo nitong 2025 midterm elections.

Batay sa resolusyon ng Comelec, pinagtibay ang disqualification laban kay Cabuyao, Laguna Mayor Dennis Hain dahil sa paglabag sa Omnibus Election Code kaugnay sa umano’y pamimili ng boto.

Disqualified din si Albay Governor Noel Rosal dahil naman sa material misrepresentation kaugnay sa naging hatol sa kaniya noon ng Ombudsman na guilty sa grave misconduct na may parusang dismissal sa serbisyo.

Bunsod nito, idineklara ng poll body na stray votes ang mga botong nakuha ni Rosal noong nagdaang halalan.

Samantala, pinawalang bisa naman ng Comelec ang proklamasyon ni Susan Yap-Sulit bilang alkalde ng Tarlac City dahil sa isyu ng residency.

Ipapatupad dito ang rule of succession kung saan ang vice mayor ang mauupong bagong alkalde ng lungsod.

Facebook Comments