Tatlong lugar sa bansa, nakitaan ng red tide toxic

Nagpositibo sa red tide toxic ang tatlong coastal area sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakitaan ng paralytic shellfish poison o red tide toxic na lampas sa limitasyon ng regulasyon ang mga nakolektang shellfish mula sa coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nakalap mula sa mga lugar na nabanggit ay hindi ligtas para sa pagkonsumo ng tao.


Gayunpaman, ang mga isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin.

Tiyakin lamang na ito ay sariwa, nahugasan ng maigi, at ang kanilang mga hasang at bituka ay tinanggal bago lutuin

Facebook Comments