Abot sa apatnapu’t apat ang bilang ng kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa tatlong lugar na isinailalim sa special concern lockdown sa Quezon City.
Halos 30 na pamilya ang mga nakatira sa naka-lockdown sa West Kamias habang mas mataas pa ang bilang na ito sa Brgy. Sta Lucia.
Mga magpapamilya at nakatira lamang sa iisang lugar ang pawang nagkakahawaan ng Coronavirus.
March 3 pa nang umpisahang i-lockdown ang K-6th at K-9th street sa Brgy. West kamias habang kaninang alas-12:00 ng madaling-araw naman sa portion ng J. Abad Santos St., Sitio 5, Brgy. Sta. Lucia, Quezon City.
Muling nagpatupad ng kaliwa’t kanang lockdown dahil sa muling paglobo ang bilang ng tinatamaan ng Coronavirus sa lungsod.
Batay sa record ng City Health Department Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nasa average na 150 kada araw ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong QC.
Agad nagkasa ng malawakang swab test ang CESU sa nabanggit na mga lugar.
14 na araw na ila-lockdown ang nabanggit na mga lugar at hindi papayagang lumabas ang mga residente.
Ayon kay CESU Head Dr. Rolly Cruz, ang City Government at barangay na ang magsusuplay mg pagkain sa mga residente.