Tinanggal na ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang tatlong lugar sa lungsod na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown (SCL).
Ayon kay Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, ito ang mismong rekomendasyon ng Quezon City Health Department.
Ito’y matapos na walang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Masbate St. sa Barangay Batasan Hills, Victory Avenue at BMA Avenue sa Barangay Tatalon pagkatapos ng 14-day period.
Sinabi ni Kimpo na mananatili naman sa SCL sa loob ng pito pang araw ang nalalabing walong lugar.
Ito ay ang Certeza Compound sa Barangay Culiat at Alley 2, Homart Road sa Barangay. Baesa.
Simula sa June 1, 2020, ilalagay din ng QC-LGU sa SCL ang Calle 29, Brgy. Libis matapos na maitala ang cluster ng active cases sa lugar na mayroong 105 na pamilyang naninirahan doon.
Ngayong araw, May 29, may kabuuang 3381 rapid tests na naisagawa sa mga special concern areas at nasa 6.06% ang inirekomenda para sa confirmatory Polymerase Chain Reaction (PCR) test.