Tatlong lungsod sa Metro Manila, sinuyod ng DZXL 558 Radyo Trabaho para sa Oplan Tabang – COVID-19 response

Sa ikalawang araw ng pag-arangkada ng Oplan Tabang-COVID-19 response, buong maghapon sa sinuyod ng DZXL 558 Radyo Trabaho ang Marikina, San Juan, at Quezon City upang mamahagi ng regalo sa mga ordinaryong manggagawa na nagbalik- trabaho na ngayong General Community Quarantine (GCQ).

Isa sa mga nabigyan ay si Aling Magnolia Moyà, 51 anyos, at 15 taon nang nagtitinda ng sandwich sa tapat ng Marikina City Hall.

Aniya ang kaniyang natanggap na mga hygiene kit, face shield, at mga limited edition item ng Radyo Trabaho tulad ng facemask at eco bag ay malaking tulong para sa kaniyang pamilya lalo na’t nawalan ng trabaho ang kaniyang asawa at anak dahil sa pandemya.


Maliban kay Aling Magnolia, nabigyan din ng regalo ang mga security guard, police, ice cream vendor, street sweeper, gasoline attendant, locksmith, at parking attendant.

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng isang raffle ticket para sa ipamimigay na mountain bikes sa August 28, 2020.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng ika-68 anniversary ng RMN, ikawalong anibersaryo ng RMN Foundation at ikalawang taong anibersaryo naman ng DZXL 558 Radyo Trabaho.

Katuwang nito ang Pfizer Philippines Foundation at ACS Manufacturing Corporation, ang gumagawa ng Unique toothpaste.

Facebook Comments