Tatlong magkakahiwalay na kaso ng pagkalunod ang naitala sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan.
Sa Dagupan City, isang 60-anyos na lalaki ang nasawi matapos mahulog sa isang creek habang natutulog. Ayon sa paunang imbestigasyon, pinaniniwalaang nakainom ang biktima bago mangyari ang insidente.
Patay rin ang isang 16-anyos na binatilyo matapos malunod sa isang falls sa Bolinao. Sa Mabini naman, isang 55-anyos na mangingisda ang nasawi habang naliligo sa ilog.
Batay sa imbestigasyon, posible umanong nakaranas ng hypertension ang biktima na naging sanhi ng insidente.
Idineklarang dead-on-arrival ang lalaki nang dalhin sa ospital. Pinaalalahanan ng awtoridad ang publiko na maging maingat.
Mahalagang iwasan ang pag-inom ng alak at siguraduhing ligtas ang lugar na pupuntahan upang maiwasan ang anumang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨