Tatlong magkakahiwalay na sunog, sumiklab sa hilagang bahagi ng Metro Manila ngayong araw

Sumiklab ang tatlong magkakahiwalay na sunog ang sa hilagang bahagi ng Metro Manila ngayong araw.

Naitala ang unang insidente sa isang lugawan Brgy. Alicia, Quezon City kaninang 5:56 ng madaling araw na umabot sa first alarm at naapula makalipas ang labing-apat na minuto.

Ayon sa Kapitan ng barangay na si Ding Flores, nagsimula ang apoy sa sumingaw na tangke ng LPG.


Wala namang napaulat na nasaktan sa insidente.

Nasundan pa ito ng panibagong sunog sa isang residential area sa Brgy. Tumana, Marikina City na nagsimula kaninang 7:47 ng umaga at mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa light materials ang mga kabahayan.

Umabot din sa unang alarma ang sunog at naapula bandang 9:00 ng umaga.

Samantala, binulabog din ng sunog ang mga residente sa Barangay Navotas West, Navotas City kaninang 10:29 ng umaga.

Partikular ito sa H. Monroy Street kung saan maraming magkakatabing bahay ang naapektuhan.

Idineklara itong fire under control bandang 10:53.

Pawang iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang nabanggit na insidente.

Facebook Comments