TATLONG MAGRERETIRONG POLICE DOGS, PINARANGALAN

Tatlong magreretirong police dogs ang binigyang pugay ng Police Regional Office Cordillera sa ilalim ng “Salamat Kapatid at Kaibigan Program” sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet kamakailan.

Pinangunahan ni PCOL. Elmer Ragay ang retirement honor ceremony ng mga asong sina Gordon, Wanda, at Bullet kung saan sila ay pinarangalan ng Certificates of Recognition and treats.

Sina Gordon at Wanda ay parehong Asong Pinoy (Aspin) na nanungkulan sa PNP sa loob ng pitong taon bilang Combat Tracking Dogs (CTD).

Bilang highlight ng kanilang pagseserbisyo, sina Gordon at Wanda ay tumulong sa paghahanap ng isang nawawalang Korean national sa Barlig, Mt. Province noong 2017.

Tumulong rin sila sa Search and Rescue/Retrieval operations noong may landslide sa Sitio Sakrang, Brgy. Banawel, Natonin, Mt. Province noong 2018.

Ipinadala rin sila noong may engkwentro sa Tadian, Mt. Province na nagresulta sa pagkadiskubre ng harboring areas and escape routes ng mga Communist Terrorist Group (CTG).

Samantala, si Bullet naman na isa ding Aspin ay nagsilbi sa PNP sa loob ng higit na anim na taon bilang Search and Rescue Dog (SARD).

Bilang highlights naman ng mga accomplishments ni Bullet, nahanap niya ang bangkay ng apat na katao na nasawi noong bagyong Ompong sa Brgy. Ucab, Itogon, Benguet at pinarangalan ng “Medalya ng Kadakilaan” ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Siya rin at naitalaga sa SAR operation upang hanapin ang dalawang nawawalang teenager na inanod ng rumaragasang tubig sa sapa sa Lower Wangal noong 2021 at ipinadala rin sa upang hanapin ang tatlo namang nawawalang tao na natabunan ng landslide sa Brgy. Dominican-Mirador, Baguio City noong kasagsagan ng bagyong Maring.

Ang kanila ring mga handler na sina PSSg Elizer Pe, Gordon’s handler; PSSg Arthur Bayangan, Wanda’s handler; and PMSg Arman Acangan, Bullet’s handler ay pinarangalan ng Medalya ng Kasanayan (PNP EFFICIENCY MEDAL) ni PCOL Rangay.

Pagkatapos ng magretiro ng tatlong Aspin na police dog sila ay dadalhin na sa kanilang bagong tahanan at hahanapan ng bagong amo.

Facebook Comments