Tatlong mahahalagang isyu, matagumpay na naisulong ni PBBM sa unang araw ng APEC Summit

Sa unang araw pa lang ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit ay matagumpay nang naisulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang tatlong mahalagang mga isyu na nakakaapekto sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, na kasama sa deligasyon ng pangulo sa Thailand, kabilang sa mga isyung ito ang food insecurity, global health, at climate change.

Sabi ni Romualdez, hiniling ni Pangulong Marcos sa mga business leaders ng Asia Pacific ang pinag-ibayong kooperasyon para matugunan ang naturang mga isyu.


Bunsod nito ay nakakatiyak si Romualdez sa positibong ibubunga ng pagdalo ni Pangulong Marcos sa APEC Summit.

Facebook Comments