Dapat na maging immediate concern ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang tatlong mahahalagang usapin sa bansa na malapit sa sikmura ng mga Pilipino.
Ito ang sinabi ni Professor Froilan Calilung, isang political analyst at faculty member ng University of Santo Tomas (UST) sa Laging Handa public briefing.
Aniya, ngayong naka 100 days na sa pwesto ang pangulo dapat aniyang mas maramdaman siya ng mga Pilipino.
Ito ay sa pamamagitan ng pagpapababa sa inflation rate, pangalawa, pagtaas ng employment rate at pangatlo, gawan ng paraan na maging standardize ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino.
Naniniwala si Professor Calilung na kung pagtutuunan ito ng pangulo at kanyang economic team ay mararamdaman ng mga Pilipino na seryoso ang Marcos Administration sa pagtulong sa pag-angat ng buhay ng bawat Pilipino.
At ito aniya ang magkakaroon ng positibong reflection sa pangulo at sa kanyang pamamahala.