Tatlo pang malalaking lungsod sa bansa ang isasama sa mga lugar na pagdarausan ng pagtuturok ng booster shots.
Ayon kay Food and Drug Administration Director Gen. Eric Domingo, maliban sa National Capital Region (NCR) ay dapat isama rin sa priority areas na dapat mabigyan ng booster shots ang Cebu City, Davao City at ilan pang mga lokal na pamahalaan ng Iloilo.
Mataas kasi ang vaccination coverage sa mga nabanggit na lugar kumpara sa iba na mababa ang bilang ng mga nababakunahan.
Ipinaliwanag pa ni Domingo na kailangang maibigay sa mga lugar na may mababang vaccination coverage ang mga primary doses.
Sa ngayon ay umarangkada na ang pagtuturok ng booster shots para sa mga health care workers habang isusunod ang senior citizens, at may comorbidity.