Tatlong malalaking ospital sa bansa, tumaas na ang porsyento para sa COVID-19 at ICU beds

Umabot na sa 80 hanggang 90 porsyentong okupado ang mga COVID-19 at Intensive Care Unit (ICU) beds sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, tagapagsalita ng EAMC, umabot na sa 10 hanggang 11 porsyento ang kanilang positivity rate na maituturing na nakakabahala para sa buong komunidad.

Ibig sabihin kasi aniya ay mabilis na ang naging pagkalat ng COVID-19 sa buong pamayanan.


Ilang pasyente naman ang kailangan pang maghintay ng isa hanggang dalawang araw sa emergency room, bago sila mabigyan ng isang regular na kwarto sa isang ospital.

Maliban sa EAMC ay sinabi rin ni Lung Center of the Philippines Spokesperson Dr. Norberto Francisco na umabot na sa 90 sa kabuuang 112 COVID-19 beds sa ospital ang nagamit habang 75% ng mga ICU ang okupado.

Nagpapasalamat naman si Francisco dahil naisailalim ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil makakatulong aniya ito upang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso.

Nananatili namang problema sa St. Lukes Medical Center ang mga ICU beds dahil paliwanag ni St. Lukes Medical Director Dr. Benjamin Campomanes ay umabot na sa ito sa 68%.

Sa ngayon, trumiple na ang natatanggap na tawag ng One Hospital Command na siyang nangangasiwa sa mga tawag mula sa puliko kumpara noong Hunyo.

Facebook Comments