Tatlong mangingisda, patay matapos mabangga ang kanilang bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc

Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na tatlong mangingisda ang naiulat na nasawi matapos banggain ang sinasakyang nilang bangka sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.

Ayon sa PCG, ibinahagi ng mga nakaligtas na ibang mangingisda na isang hindi natukoy na commercial vessel ang bumangga sa kanilang bangka na FFB DEARYN.

Nangyari ang insidente noong October 2, 2023 kung saan kabilang sa mga nasawi ay ang kapitan ng fishing boat.


Tuluyan na ring lumubog ang nasabing bangka ng mangingisda habang 11 crew naman ang nakaligtas.

Ang mga bangkay naman ng nasawi ay dinala na Barangay Cato, Infanta, Pangasinan.

Facebook Comments