Tatlong menor de edad, huli matapos makuhaan ng marijuana sa Maynila

Arestado ang tatlong indibidwal matapos makuhaan ng apat na kilo ng marijuana sa Perlas street Corner P. Zamora street, Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina John Ray Roque, Marvin Maui Canlas at kapatid nito na 15 taong gulang.

Ayon kay Superintendent Reynadlo Magdaluyo, Hepe ng MPD station 1, isinagawa ang operasyon matapos makuhaan ng isang kilong marijuana ang isang menor de edad nitong Enero 28.


Aniya, si Marvin ang itinuturong supplier ng marijuana na nanggagaling pa sa kalinga.

Depensa naman ni Marvin, nagawa lang niya ang krimen dahil sa kahirapan.

Itinanggi naman dalawa niyang kasamahan ang partisipasyon sa pagbebenta ng marijuana.

Tinatayang nagkakahalaga ng ₱60,000 ang marijuanang nakuha mula sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag Republic Act 9165 sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments