Tatlong Metro regions, posibleng maapektuhan ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 – OCTA

Posibleng makapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na araw ang tatlong Metro regions sa bansa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Guido David na kabilang dito ang Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.

Ani David, sa mga lugar na ito madalas ang mga mass gathering.


Paliwanag pa nito, kahit na mataas ang vaccination coverage sa mga nabanggit na lugar ay marami pa rin ang pwedeng kapitan ng virus at mahawahan tulad na lamang ng vulnerable sectors.

Ang kagandahan lamang aniya, tulad ng nangyayaring COVID-19 surge sa ibang mga bansa gaya ng South Africa at India ay mild lamang ang mga kaso kung kaya’t hindi napupuno ang mga ospital.

Kasunod nito, patuloy ang paalala ng OCTA sa publiko na magpabakuna at magpa-booster shot na nang sa ganon kapag tuluyang nakapasok sa bansa ang Omicron sub-variants ay mananatili tayong protektado laban sa virus.

Facebook Comments