Tatlong million doses ng Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

Inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na kabuuang tatlong million doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bago magtanghali.

Ayon sa Media Affairs Office ng MIAA, alas-11:04 ng umaga nang lumapag ang Philippine Airlines flight PR 361sa NAIA Terminal 2, lulan ang tatlong milyon na Sinovac vaccines.

Ang mga bakuna ay bahagi ng binili ng ating gobyerno.


Agad na dinala ang mga bakuna sa storage facility upang mapanatili ang kalidad nito.

Facebook Comments