Umabot na sa higit tatlong milyong manggagawa ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Sa huling Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 3,023,601 na manggagawa mula sa 107,152 establishments ang apektado ng pandemya mula July 26, 2020.
Mula sa higit 107,000 establishments, nasa 82,561 ang napatupad ng temporary closure kung saan apektado ang nasa 1.9 milyon na manggagawa.
Nasa 26,487 establishments ang nagpatupad ng flexlible work arrangements kung saan nasa 1.16 milyon na manggagawa ang apektado.
Mula sa 6,500 establishments, 5,867 ang nagbawas ng workforce, habang 633 ang nagpatupad ng permanent closure.
Facebook Comments