Na-i-turn over na sa mga health facility sa Leyte ang tatlong mobile dental buses.
Ang turn over ay pinangunahan nina Leyte Representative Martin Romualdez, Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at mga opisyal ng Department of Health (DOH).
Ibinigay ang mga mobile dental buses sa Babatngon Leyte Rural Health Unit, Tolosa Leyte Rural Health Unit at Tacloban City Hospital.
Layunin ng pagkakaloob ng mga mobile dental buses na maibigay ang quality dental care sa mga pinakamalalayong barangay gayundin ay matulungan ang mga tao na maitaas ang kumpyansa at self-esteem.
Ang mga mobile facilities na ito ay palaging may dentist on board na susuyod sa mga malalayong barangay para maihatid ang essential health care tulad ng dental services.
Facebook Comments