TATLONG MOST WANTED SA ILOCOS REGION, NASAKOTE SA SUNOD-SUNOD NA OPERASYON NG PULISYA

‎‎Naaresto ng Police Regional Office 1 ang tatlong Top Most Wanted Persons sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region noong March 17 at 18, 2026.

‎Nasakote sa Laoag City, Ilocos Norte ang isang 22 anyos na lalaki na itinuturing na Top Most Wanted ng lungsod dahil sa kasong rape na walang inirekomendang piyansa.

‎Sa Pangasinan naman, nadakip ang Most Wanted sa bayan ng Malasiqui na itinago sa alyas na “Jess” na nahaharap sa parehong kaso na walang inirerekomendang piyansa.

‎Samantala, naaresto sa Bacnotan ang isang 45 anyos na negosyante na Top Most Wanted ng dahil sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirerekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱200,000.


‎Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng kani-kanilang himpilan ng pulisya ang mga naarestong indibidwal para sa dokumentasyon at kaukulang proseso ng kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments