Tatlong mpox case sa Quezon city, magaling na – QC Health Department

Kinumpirma ng Quezon City Health Department na magaling na ang tatlo sa apat na tinamaan ng mpox sa lungsod.

Sa QC Journalists Forum, sinabi ni Sarah Conclara MPOX Surveillance ng QC Health Department na natapos na ang isolation period at magaling na ang mga sugat ng tatlong kaso.

Wala rin aniyang nahawa sa mga natukoy na close contacts ng tatlong pasyente.


May isa pang aktibong kaso na binabantayan ang QC na nakumpirmang mpox nitong Setyembre lang.

Isa itong lalaking pasyente na walang anumang international travel history.

Naka-isolate na aniya ito sa bahay at mino-monitor na rin ang 14 na close contacts kasama ang partner nito at mga kasama sa trabaho.

Nanawagan naman ang QC Health Department sa publiko na agad makipagtulungan lalo na sa mga contract tracing efforts.

Tniyak naman ng Health Department na nananatiling kontrolado ang MPOX sa Quezon City.

Facebook Comments