
Ibinida ng Presidential Communications Office (PCO) ang naging tagumpay ng huling tatlong biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Estados Unidos.
Sa gitna ito ng nakatakdang muling pagbiyahe ng Pangulo sa Amerika sa susunod na linggo para sa bilateral meeting nila ni US President Donald Trump.
Ayon sa PCO, bukod sa pagpapalakas sa economic partnership, mas dumami ang foreign investment pledges para sa Pilipinas at mas lumawak din ang development cooperation sa imprastraktura at larangan ng enerhiya.
Matatandaang September 2022 nang unang magtungo si Pangulong Marcos sa Amerika para sa anim na araw na working visit sa New York kung saan ay dumalo ito sa UN General Assembly.
November 2023 ay dumalo naman ang pangulo sa 30th Asia Pacific Economic Cooperation Economic Leaders meeting sa San Francisco California at ang pinakahuling ay nitong nakaraang April 2024 para sa kauna-unahang US-PH-JAPAN trilateral summit.









