
Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbabago sa ilang nominee ng Tingog Party-list.
Sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nawala sa listahan ang ikatlo hanggang ikalimang nominee na sina Josephine Diana Calatrava, Alexis de Veyra at Paul Richard Sevilla Muncada.
Dahil sa kanilang pagkawala sa listahan, papalit sa kanila ang ikaanim na nominee na si Yedda Marie Romualdez.
Siya ang asawa ni House Speaker Martin Romualdez at dati na ring naging kinatawan ng naturang party-list.
Sa ngayon ay mag-iisyu pa ng Certificate of Proclamation ang poll body para makaupo sa pwesto si Romualdez.
May tatlong seat ang Tingog matapos makakuha ng halos dalawang milyong boto nitong nagdaang midterm elections.
Facebook Comments









