Thursday, January 22, 2026

Tatlong opisyal ng BI, sinibak dahil sa isyu ng Russian vlogger na nakapag-vlog sa kulungan —Malacañang

Tatlong opisyal ng Bureau of Immigration (BI) ang sinibak sa puwesto matapos kumalat ang mga video ng Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy na nakapag-vlog habang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Claire Castro at nilinaw na ang mga video ay kuha pa noong mga unang araw ng pagkakakulong ng vlogger.

Dahil sa insidente, agad na inalis sa puwesto ang mga sangkot na opisyal at kinumpiska rin ang ilang cellphone sa loob ng pasilidad bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon.

Ayon sa Malacañang, tuloy-tuloy ang isinasagawang pagsisiyasat, at kung may mapatutunayang iba pang pagkukulang o pang-aabuso, handa ang pamahalaan na magtanggal pa ng mga opisyal na sangkot.

Giit ng Palasyo, walang puwang ang special treatment sa loob ng mga detention facility, lokal man o dayuhan ang nakapiit.

Facebook Comments