Tatlong opisyal ng DA, kakasuhan ng DOJ dahil sa onion smuggling

Magsasampa na ang Department of Justice (DOJ) ng kasong administrabo laban sa tatlong opisyal ng Department of Agriculture (DA) at mga negosyante na sangkot sa onion smuggling noong December 2022, dahilan para sumirit ang presyo ng sibuyas sa ₱587 kada kilo noon.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kasama sa mga opisyal na sasampahan ng kaso ay sina:
– suspended DA Assistant Secretary Kristine Evangelista
– Bureau of Plant Industry (BPI) Officer-in-Charge Glenn Panganiban,
– Agribusiness and Marketing Assistance Service OlC Junibert De Sagun

Kasong paglabag sa Anti-Graft Law at Revised Administrative Code ang isasampa ng DOJ sa tatlong opisyal dahil sa inefficiency and incompetence sa Office of the Ombudsman.


Samantala, magsasampa rin ng hiwalay na kasong hoarding, profiteering, falsification of private documents and use of falsified documents ang DOJ laban sa mga opisyal ng Bonena Multipurpose Cooperative na sina Israel Reguyal, Mary Ann dela Rosa, at Victor dela Rosa Jimenez.

Tiwala si Remulla na malakas at marami ang ebidensyang nakalap ng DOJ prosecution panel para kasuhan sa korte ang mga naturang indibidwal at ilang negosyante.

Posible ring madagdagan pa aniya ang masasampahan ng kaso sa usapin ng sibuyas dahill nagpapatuloy ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isyu ng smuggling.

Facebook Comments