Cauayan City – Sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Army at Philippine National Police, tagumpay na nadakip ang tatlong leader ng New People’s Army sa Brgy. Manag, Conner, Apayao.
Ang tagumpay na operasyon ay nag-ugat matapos makatanggap ng impormasyon ang 503rd Infantry Brigade kaugnay sa diumano’y presensya ng mga armadong terorista sa nabanggit na lugar.
Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad at dito nga nahuli ang tatlong indibidwal na miyembro ng Regional Guerilla Unit-Regional Operations Command ng Ilocos-Cordillera Regional Committee na nag-ooperate sa Northern Luzon.
Kabilang sa nadakip ay si Alias Sam, Commanding Officer ng Regional Sentro De Grabidad, si Alias Tanya, Political Instructor, at Alias Annie na siyang Organizer at head ng education of the weakened Guerilla Front, KLG Baggas.
Maliban sa kanila, nakumpiska rin sa kanilang pag-iingat ang dalawang M16A1 rifles na may bala, hand grenades, mga pasabog, at iba pang personal na gamit na ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa karagdagang imbestigasyon.