Tatlong opisyal ng Sunwest Incorporated, hindi natagpuan ng mga awtoridad sa isang hotel sa Pasay City

Hindi natagpuan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police–Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isang hotel sa Pasay City ang tatlong opisyal ng Sunwest Incorporated na kabilang sa mga pinaaaresto ng Sandiganbayan.

Kaugnay ito ng pagkakadawit nila sa anomalya sa flood control projects sa Mindoro.

Matapos halughugin ng mga awtoridad ang bawat palapag ng hotel, nabigo silang maaresto sina Sunwest officials Consuelo Dayto Aidon, Anthony Li Ngo, at Noel Yap Cao.

Ayon sa PNP-CIDG, una silang nakatanggap ng impormasyon na nagtatago sa nasabing hotel ang tatlo at nagpapanggap umano ang mga ito na mga empleyado.

Tiniyak ng pulisya na pupuntahan nila ang iba pang lugar at mga subdivision na maaaring pinagtataguan ng tatlo.

Nanawagan din ang mga awtoridad kina Aidon, Ngo, at Cao na sumuko na at huwag nang magpahabol sa pulisya.

Facebook Comments