TATLONG PAARALAN MULA SA REGION 1, KABILANG SA INAPRUBAHAN ANG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES NG CHED

Nadagdagan pa ng Commission on Higher Education o CHED ang bilang ng mga kolehiyo at unibersidad na maaaring magsagawa ng limited face-to-face classes sa kanilang medical-related courses.

Kabilang sa inaprubahan ang tatlong unibersidad sa Region 1 na Mariano Marcos State University at Lyceum Northwestern University sa lungsod ng Dagupan.

Karamihan pa sa mga insitusyong pinayagan ay mula sa Metro Manila na mayroong 16 unibersidad at kolehiyo 13 sa Region 12, 12 sa Region 4 at Region 12, pito sa Region 5 at Region 7, anim sa Cordillera Administrative Region, lima sa Region 5 at Region 9, tatlo sa Region 1 at Region 11, at tag-isang institusyon sa Region 2, Region 3 at CARAGA.


Plano naman ng CHED na magbigay ng “safety seal” certifications sa mga colleges at unibersidad na nagsasagawa ng limited in-person classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments