Inirekomenda ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang “three pillar approach” o mga pamamaraan na susuporta sa pagpapaigting ng seguridad at diplomasya sa isyu ng West Philippine Sea.
Tinukoy ni Salceda na ang maaaring gawin ng Pilipinas ay makipagtulungan sa mga non-hergemonic states tulad ng Vietnam, Malaysia, Brunei at Indonesia na mayroon ding lehitimong “claims” sa rehiyon.
Maaaring maisulong ang mutual security sa WPS, una ay sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga “claims” ng mga bansa sa timog-silangang Asya; ikalawa ay ang pagkakasundo ng mga nabanggit na bansa na depensahan ang buong teritoryong inaangkin; at ikatlo ay pagiging bukas ng bansa sa mga bansang ginagarantiyahan ang seguridad ng pinag-aagawang teritoryo.
Naniniwala ang kongresista na ang mga pamamaraan ay maituturing na “best strategy” para maprotektahan ang ating teritoryo.
Kapag aniya nagkaisa ang mga bansang ito na palaging binu-bully ng China, ang mga itinuturing na “underdogs” ay magmumukhang malakas sa buong mundo.