Tatlong pamilya ang nawalan ng tirahan matapos masunog ang isang bahay sa Sitio Batac, Barangay Villanueva, Bautista nitomg Huwebes, Disyembre 4, 2025.
Nagsimula ang sunog dakong 12:45 ng tanghali at naapula ng mga bombero makalipas ang apatnapung minuto.
Tinatayang nasa ₱150,000 ang halaga ng napinsala, kabilang ang pera at iba pang ari-arian ng mga residente.
Kasalukuyang nanunuluyan sa kanilang mga kamag-anak ang mga apektadong pamilya.
Agaran namang namahagi ng Hygiene Kits at Family Kits ang mga responder bilang paunang tulong, habang patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.
Facebook Comments









