Habang marami sa mga evacuees sa lalawigan ang nagsibalikan na sa kanilang mga tahanan, tatlong pamilya mula Barangay Nalvo, Santa Maria, Ilocos Sur, ang kinailangan pang ilikas at dalhin sa Nalvo Elementary School bandang ala una ng madaling araw kahapon, Nobyembre 11.
Ito ay matapos maranasan ang storm surge sa lugar na dulot pa rin ng papalayo nang bagyong Uwan.
Agad na isinagawa ang evacuation sa tulong ng Municipal at Barangay Disaster Risk Reduction and Management Council, kabilang ang kanilang mga alagang hayop.
Ayon sa Sangguniang Bayan, humupa na ang tubig sa kalsada bandang 2:30 AM, ngunit may ilang kubo malapit sa dagat ang nasira at patuloy na ramdam ang malakas na alon sa lugar.
Facebook Comments









