Tatlong parcel na naglalaman ng higit dalawang milyung pisong halaga ng iligal na droga, nasabat ng Bureau of Customs-NAIA

Nasamsam ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang tatlong parcel na naglalaman ng ilegal na droga.

Partikula sa Central Mail Exchange Center (CMEC), Pair Cargo, at DHL Warehouse sa Pasay City.

Nabatid na nagsagawa ang Customs ng physical examination sa mga parcels at dito na nakita ang anim na plastic pouches ng mga candies at isang vape cartridge na naglalaman ng nasa 1.020 kg ng ecstasy, at 106.46 gm ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P2.476 million halaga.


Ang mga nasabing parcels ay galing sa mga bansang United States, France at Pakistan.

Ipinadala naman ito sa consignees sa Negros Occidental, Makati City, at Camarines Sur.

Itinurn-over na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nasamsam na iligal na droga para sa tamang disposisyon.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan, patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon para matukoy ang mga nasa likod ng iligal na gawain.

Patuloy naman ang Customs sa pagbabantay at pagmo-monitor upang mapigilan ang pagpasok ng iba’t bang uri ng mga iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments