Manila, Philippines – Tatlong pasaherong Japanese nationals ang nakunan ng mga basyo ng bala sa NAIA 2.
Kinilala ang mga pasaherong Hapones na sina Ryo Matsuraa, Akira Nishonono at Narise Noda, na pawang transit passengers mula Guam (via Manila) patungo ng Osaka, Japan.
Lumalabas sa pagtatanong ng airport authorities na ang mga nakuhang basyo ay souvenir ng mga Hapones mula sa kanilang naging firing activity sa Guam.
Agad naman na pinayagan ng mga otoridad na makalipad ang mga pasahero matapos na kumpiskahin ng PNP Aviation Security Group ang mga basyo ng bala ng baril para sa kaukulang documentation.
Kahapon, tatlo ring indibidwal ang nakunan ng anting-anting na mga bala at basyo sa NAIA 3 na kapwa rin pinalaya matapos kumpiskahin ang mga item.