Tatlong PDEA operating units, tumanggap din ng cash rewards dahil sa matagumpay nilang anti-drug operations

Tatlong operating units ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tumanggap din ng P2.5-M na cash rewards dahil sa matagumpay nilang anti-drug operations.

Kabilang sa mga nabigyan ng cash reward ay ang PDEA Regional Office-National Capital Region, PDEA-Special Enforcement Service at PDEA Regional Office 3.

Tumanggap ang PDEA RO-NCR ng ₱2,000,000 bilang pabuya sa matagumpay na controlled delivery operation sa isang fast food chain sa General Tinio Extension, Cabanatuan City, Nueva Ecija noong October 30, 2020 na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 240,156.63 grams ng shabu at pagka-aresto ng dalawang drug personalities.


₱266,996.85 ang nakuha ng PDEA RO-NCR bilang reward sa isinagawang interdiction operation sa Bureau of Customs Area, International Arrival area, NAIA Terminal 3, Pasay City noong February 3, 2020 na nagresulta sa pagkasamsam ng 3,938.88 grams ng shabu na may street value na ₱26.78-M at pagka-aresto ng isang drug personality.

₱112,690.25 ang nai-award sa PDEA RO-NCR kaugnay ng operasyon sa BF Homes, Parañaque City noong September 4, 2020 na nagresulta sa pagkakumpiska ng 5,244 pieces ng ecstasy tablets, 6.3228 grams ng marijuana seeds, 83.399 grams ng marijuana leaves at substance na nagkakahalaga ng ₱8.86-M.

Facebook Comments