Tatlong Pinoy seafarers na pinalaya mula sa barkong kinubkob ng Iranian authorities, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na ng Pilipinas ang tatlong Pinoy seafarers na nakalaya mula sa kinubkob ng Iranian authorities na Portuguese-flagged container ship MSC Aries noong April 13, 2024.

Ang naturang Pinoy seafarers ay tatlo sa apat na Pilipinong crew members na na-hostage nang makubkob ng Iranian authorities ang MSC Aries habang dumadaan sa Strait of Hormuz malapit sa Gulf of Oman.

Una nang nakauwi noong May 10 ang isa sa kanilang kasamahang Pinoy crew.


Facebook Comments