TATLONG POLICE COMMUNITY PRECINT, ITATAYO SA LINGAYEN

Nakatakda umanong magkaroon ng tatlong Police Community Precint ang bayan ng Lingayen.

Sa pamamagitan mapapabuti ang pagbabantay ng peace and order sa Capitol Town at makatulong din sa mabilisang responde sa kriminalidad.

Ang naturang layunin ay Ibinahagi ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil sa isinagawang groundbreaking ceremony para sa bagong Police Station sa Brgy. Pangasinan North sa bayan.

Naglaan ng lupa ang lokal na pamahalaan upang suportahan at maisakatuparan ang bagong istasyon.

Nangako naman ng hanay ng kapulisan na pagbubutihin pa umano nila ang serbisyo publiko at seguridad sa kaligtasan at kapayapaan sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments