Naghahanda na ang Malacañang para sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.
Ayon kay Cabinet Secretary Carlo Nograles Jr., tatlong Pre-SONA forum ang itinakda ng Malacañang kung saan mag-iikot ang mga Gabinete ng Pangulo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para ilatag sa publiko ang mga naging accomplishment ng Administrasyon Duterte.
Gaganapin ang unang Pre-SONA forum sa July 1 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na pangungunahan nina Finance Secretary Carlos Domiguez at DPWH Secretary Mark Villar mula sa Economic Development and Infrastructure Cluster.
Sa Cebu naman gagawin ang ikalawang Pre-SONA forum sa July 10 na pangungunahan ng Partisipatory Governance, Human Development at Poverty Reduction Cluster na pamumunuan ni DILG Sec. Eduardo Año.
Habang sa Davao gaganapin ang ikatlong Pre-SONA forum sa July 17 sa pangunguna ng Climate Change Cluster at Security, Justice and Peace Cluster ni Enviroment Sec. Roy Cimatu at Defense Sec. Delfin Lorenzana.