Tatlong pulis Antipolo na inaresto ng CITF, nasampahan na ng patong patong na kaso

Manila, Philippines – Patong patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng tatlong Pulis na tauhan ng Station Drug Enforcement Team ng Antipolo PNP na naaresto kagabi ng PNP Counter intelligence task force sa isang Entrapment Operation.

Ang mga pulis na ito ay sina PO2 Randolf Openiano, PO2 Edwin Fernandez at PO1 Alejo De Guzman na ngayon ay may mga kaso ng illegal possession of firearms, paglabag sa Anti-Graft Law at Code of Conduct and Ethical Standards for Govt. employees at possession of Illegal Drugs.

Ayon kay PCI Jewel Nicanor ng CITF, mula sa apat na pulis na naaresto kagabi, tatlo na lamang ang nakasuhan.


Pinalaya si SPO1 Ginnie San Antonio dahil hindi ito positibong kinilala ng Complainant pagdating sa Kampo Crame.

Dinala na sa Antipolo Prosecutors Office ang tatlong sina Openiano, De Guzman at Fernandez upang maipagharap ng kaso.

Sa ngayon sinabi ni Nicanor na may tatlo pang kasamahan ng mga ito na kanilang pinaghahanap
Inaresto at kinasuhan ang mga ito matapos hiningan ng 50, 000 ang isa umanong drug suspek na kanilang naaresto sa anti-illegal drug operation sa Antipolo.

Facebook Comments