Tatlong rebelde, sumuko sa tropa ng militar sa Sultan Kudarat

Sumuko ang tatlong rebelde kabilang ang platoon leader sa tropa ng 37th Infantry Battalion sa Barangay Lebak, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ito ay kasunod ng pinaigting na combat at non-combat operations ng Joint Task Force Central.

Pinangunahan ang pagsuko ni alyas Tata, Commanding Officer ng Dabu-Dabu Platoon, Revolutionary Hit Force, Far South Mindanao Region kasama ang dalawa pang rebelde.


Ibinaba nila ang dalawang 5.56 Elisco M16A1 rifle at isang 7.62mm M14 rifle.

Sa initial debriefing, ibinunyag ng tatlong rebelde na nagpasya silang sumuko dahil sa hirap na dulot ng patuloy na operasyon ng militar at ang kawalan ng moral at pinansyal na suporta mula sa kanilang grupo.

Pinuri ni AFP Western Mindanao Command Commander Lieutenant General William Gonzales, ang kanilang mga tauhan sa panibagong accomplishment.

Ang pagsuko aniya ng mga rebelde ay nagpapakita na epektibo ang kanilang ginagawang pagsisikap sa tulong na rin ng ahensya ng gobyerno at iba’t ibang stakeholder.

Facebook Comments