Tatlong regional office sa Pagadian City, nasunog

242

Pagadian City – Natupok ang Regional Office ng National Commission on Indigenous People (NCIP), National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Philippine Information Agency (PIA) sa Barangay San Francisco, Pagadian City kaninang madaling araw.

Nagsimula ang apoy sa opisina ng NCIP at agad na kumalat sa ibang opisina.

Ayon kay Fire Senior Inspector Regie Olmedo, fire marshal ng BFP-Pagadian, inaalam pa nila ang sanhi ng sunog dahil walang tao sa mga opisina nang mangyari ito.


Gawa aniya sa magkahalong light materials at konkreto ang mga opisina.

Higit kumulang sa P2 milyon ang halaga ng danyos sa sunog.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog na nagsimula ala 1:20 at naapula alas 2:45 ng madaling araw.



Facebook Comments