In-adopt na nga ng House Committee on Justice at Committee on Human Rights ang tatlong resolusyon na nananawagan sa gobyerno na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).
Kaugnay ito sa imbestigasyon ng ICC ukol sa war on drugs na ipinatupad ng administrasyong Duterte.
Ang hakbang ng dalawang komite ay kasunod ng pagdinig na isinagawa ngayon ukol sa nabanggit na mga resolusyon na inihain nina Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez at Makabayan Bloc.
Kaugnay nito ay isinulong naman ni Albay Rep. Edcel Lagman sa komite na makipag-ugnayan kay Sen. Risa Hontiveros na naghain din ng kaparehong resolusyon ito ay para sa pagpapatibay ng concurrent resolution na nagpapahayag ng sense of the entire Congress.